Tagalog news: 24-hour power supply sa Araceli, Palawan, isasakatuparan na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 17 (PIA) — Maglulunsad ngayong araw ng 24-hour operation ang Araceli Diesel Power Plant ng National Power Corporation (NPC) upang makapaghatid ng tuloy-tuloy na daloy ng kuryente sa 13 Barangay sa Bayan ng Araceli, Palawan.

Ayon kay NPC President for Operations Gladys Cruz-Sta. Rita, nagdagdag ng generator sets sa kanilang Diesel Power Plant ang kompanya upang maisakatuparan ang 24-hour power supply sa lugar.

Ani Sta. Rita, sa 13 barangay ng nasabing bayan, dalawa lamang dito ang mayroong distribution line na nabibigyan ng serbisyo ng NPC sa pamamagitan ng Palawan Electric Cooperative, Inc. (PALECO).

Ang mga nabanggit na barangay ay ang Poblacion at Tinintinan, habang ang isa pang Island Barangay na Calandagan ay mayroong serbisyo ng kuryente sa pamamagitan ng stand-alone electrification.

Sa kasalukuyan, ang supply ng kuryente sa Araceli ay mula alas-9 ng umaga hanggang ala-una ng madaling araw.

Nitong nakalipas na linggo, nakaranas ng madalas na power interruptions ang mga residente ng nasabing bayan na posible nang matugunan sa pamamagitan ng bubuksang operasyon ng NPC.

Ang Araceli ay kabilang sa 11 Island Municipalities ng lalawigan na salat sa supply ng elektrisidad na unti-unti nang tinutugunan ng pamahalaan sa ngayon. (LBD-PIA4B PALAWAN)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s