Tagalog news: ‘Negosyo Fair’ ng DTI, isinasagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 16 (PIA) — Pangunahing tatalakayin sa isinasagawang Palawan Negosyo Fair ng Department of Trade and Industry (DTI) ang responsibilidad ng mga negosyante at ang kapakanan ng mga mamimili.

Nagsimula kaninang umaga ang tatlong-araw na Negosyo Fair na ginaganap sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo.

Ayon kay DTI-Palawan Provincial Director Rosenda Fortunado, Negosyo Fair, ay magkakaroon ng dalawang bahagi. Ang una ay para sa mga bago at dati nang mga negosyante partikular ang mga nasa ilalim ng Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) at ang ikalawang bahagi ay para sa mga mamimili.

Layon nito na maipaliwanag sa mga negosyante ang mga pagbabago sa mga batas na may kaugnayan sa kanilang responsibilidad sa mga mamimili at maipaliwanag naman ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga mamimili.

Ang mga resource persons mula sa Consumer Protection and Advocacy Bureau ang magpapaliwanag hinggil sa karapatan ng mga mamimili at ang mga responsibilidad ng mga negosyante lalo na sa mga bago pa lamang nagnenegosyo.

Ilan sa mga inaasahang paksa ay ang Fair Trade Law na tumutukoy sa batas sa presyo, batas sa paglalagay ng price tag, batas hinggil sa tamang product labeling at product standards.

Kanila ring ipapaliwanag ang ilang usapin sa ilalim ng Consumer Act tulad ng pyramiding at bakit bawal ang panunukli ng kendi. Ang hepe ng Consumer Welfare Division na si Noel Flores ang magpapaliwanag hinggil sa Product Standards.

Ayon pa kay Dir. Fortunado, kailangan ding ma-update ang mga datihang mga negosyante hinggil sa mga batas na nabanggit.

Nakatakda sa huling araw ng Negosyo Fair ang mga paksang may kaugnayan sa konsumerismo.

Ang talakayan para sa mamimili ay nakatakda sa huling araw ng Negosyo Fair sa Hunyo 17, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo kasabay ng paksang may kaugnayan sa konsumerismo.

Samantala, isang representante mula sa DTI IV-B ang magpapaliwang hinggil sa pagrerehistro sa Philippine Government Electronic Procurement System o PhilGeps para sa mga negosyanteng nais makipagkalakalan sa gobyerno.

Dumadalo sa aktibidad na ito ang mga propesor, estudyante ng Entrepreneurship at Consumerism mula sa mga unibersidad, mga mamimili gayundin ang mga pangunahing establisyemento sa lungsod ng Puerto Princesa at Palawan. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s