Tagalog news: “No collection, no uniform policy” mahigpit na ipinatutupad ng DepEd Romblon

ROMBLON, Romblon, Hunyo 14 (PIA) — Mahigpit na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd)-Romblon ang “no collection policy” at “no uniform policy” sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong lalawigan.

Sinabi ni OIC-Schools Division Superintendent Roger F. Capa, matagal na umanong sinusunod ng DepEd Romblon Schools Division Office ang No Collection Policy bilang pagtalima sa DepEd Order 41 series of 2012, na nag-uutos sa lahat ng school officials na wala ni isang sentimong sisingilin sa mga batang mag-aaral.

Alinsunod naman sa DepEd Order No. 45 series of 2008, hindi required na magsuot ng uniporme ang mga estudyante at mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan.

Ang mahalaga aniya ay may suot ang mga ito na Identification Card na ginastusan naman mula sa school fund at hindi mula sa bulsa ng mga magulang.

Nilinaw naman nito na kapag wala pang uniform, hinihiling pa rin sa mga estudyante na magsuot ng plain shirts at kahit anung kulay ng pantalon sa mga lalaki, ganundin sa mga babae na kahit anung palda basta plain shirts ang kanilang isusuot.

Layunin nito na makatipid ang mga magulang sa kanilang gastos sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s