Tagalog news: 2 island barangay sa Romblon, napailawan dahil sa Submarine Cable Project

ROMBLON, Romblon, Hunyo 14 (PIA) — Sa pamamagitan ng submarine cable project ng National Electrification Administration (NEA) sa pakikipagtulungan ng Asian Development Bank (ADB) at Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) Inc. ay tinatamasa na ngayon ng dalawang island barangay sa bayan ng Romblon ang 24/7 na serbisyo ng kuryente.

Sinabi ni Eng’r. Rene M. Fajilagutan, ROMELCO General Manager, dahil sa susidiya ng NEA ay napondohan ang naturang proyekto kung saan naglaan ng mahigit Php33 milyon ang ADB upang maisakatuparan ito.

Ang submarine cable project ay inilatag ng Asia-Phil Corp. sa ilalim ng karagatan magmula sa main power station sa Poblacion (town proper) papunta sa isla ng Barangay Logbon at Barangay Alad.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng 24 oras na serbisyo ng kuryente ang mga nabanggit na barangay upang mapaangat ang antas ng kabuhayan ng mga naninirahan dito.

Nais aniya na tulungan ng pamahalaan ang mga residente rito na ang tanging ikinabubuhay ay pangingisda, pagsasaka at pagmimina ng marmol.

Mapapaunlad rin ang idustriya ng turismo sa mga island barangay dahil maraming magagandang beach na maaaring i-develop upang gawing resorts na makaka-engganyo na bisitahin ng mga turista.(DM/LBR/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s