Tagalog news: Reproductive Health Program, palalakasin sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 13 (PIA) — Tinututukan ngayon ng bumubuo ng Palawan Family Health Advocacy Team (PFHAT) ang pagpa-plano para mapalakas ang Reproductive Health Program na magbibigay diin sa family planning at pagpapalaganap ng sex education sa lalawigan.

Layon nito na mapalawak ang health program dahil sa nakitang kahinaan ng pagpapatupad ng batas na Reproductive Health.

Kaugnay nito, nagpulong ang Advocacy Team, kung saan tinalakay ng grupo ang mga hakbang kung paano maituturo sa mga komunidad ang family planning at kahalagahan ng sex education alinsunod sa pinagtibay na Reproductive Health Law.

Ang team ay binubuo ng mga government agencies tulad ng Department of Health (DOH)-Mimaropa, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Health Office (PHO), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Provincial Government of Palawan (PGP) sa pakikipagtulungan ng Forum for Family Planning and Development (FFPD) at Bill and Melinda Gates Foundation, mga non-government organizations na nagsusulong ng family planning.

Ayon kay Chi Laigo Vallido, director for programs and advocacy ng FFPD, isa ang Palawan sa mga project sites ng kanilang grupo matapos matukoy ang lalawigan na isa ito sa mga may pinakamataas na maternal mortality rate.

Aminado ang PFHAT na mahirap ituro o talakayin sa mga kabataan at magulang ang tungkol sa RH pero handa naman aniya ang katuwang na NGO para magbigay ng modules at kung papaano ang magiging approach sa komunidad .

Iminungkahi naman ng DSWD na isama sa gagawing pagtuturo ang mga parent leaders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa bawat munisipyo sa Palawan.

Nauna nang nakipag-ugnayan ang grupo sa mga local chief executives ng Coron, Narra, Roxas, San Vicente, Brooke’s Point, Bataraza, Balabac, Taytay at El Nido kung saan nakuha nila ang positibong tugon ng mga LGUs sa programa, ani Vallido.

Maliban sa National Law, pagbabatayan din ng pagsasakatuparan nito ang pinagtibay na Provincial Ordinance No. 1623-15, Establishing the Provincial Family Health Council (PFHC) of the Province of Palawan and appropriating funds thereof na iniakda ni Sangguniang Panlalawigan Committee on Health Chairman Eduardo Modesto Rodriguez. Base sa ordinansa, ang pondong gagamitin ng konseho para sa administrative at operational requirements ay kukunin sa mandatory allocation ng Gender and Development (GAD) ng Provincial Government. (OCJ/LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s