Tagalog news: “National Oral Polio Vaccine (OPV) Switch Day” inilunsad sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 13 (PIA) – Pormal na inilunsad ang “National Oral Polio Vaccine (OPV) Switch Day” sa Divine Word College of Calapan kamakailan lamang.

Ito ay naglalayong bigyang-proteksyon ang mga sanggol laban sa pagkalat ng polio virus gayundin ang mabawasan ang panganib dala ng polio outbreaks.

Ayon kay Department of Health (DOH)-Mimaropa Asst. Regional Director Dr. Faith Alberto, ang National Switch Day kung saan katuwang din ang City Health and Sanitation Department ay ang pagpapalit mula sa trivalent OPV patungong bivalent OPV sa lahat ng mga gawaing pagbabakuna sa buong bansa kung saan lahat ng mga health facilities ay magsisimula nang gumamit ng bOPV sa halip na tOPV. Ang pagpapalit ng tOPV patungong bOPV ay makapagbibigay aniya ng mas malakas na proteksyon laban sa pagkalat ng polioviruses at mababawasan din nito ang panganib ng pagkalat ng polio.

Maliban dito, inilunsad din ng DOH ang paggamit ng Inactivated Polio Vaccine (IPV) kasabay ang pangatlong dosage ng bOPV na nakapagpapalakas ng proteksyon na ibinibigay ng bOPV laban sa mga ‘polioviruses types 1 at 3’. Nagbibigay rin ito ng proeyksyon laban sa type 2 kung sakaling magkaroon ng kaso nito sa isang lugar.

Dagdag pa ni ARD Alberto, kumpyansa sila na ang lahat ng mga sanggol na may edad 1 ½ buwan hanggang bago mag-isang taong gulang ay mapagkakalooban ng nasabing mga bakuna dahil nagbabahay-bahay anila ang lahat ng mga itinalagang health workers higit sa mga liblib na mga lugar.

Sa pamamagitan ng partnership ng DOH at pamahalaang lokal, mananatiling polio free ang rehiyon partikular na ang Calapan City. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s