Tagalog news: Bagong pamunuan ng Senior Citizens ng Calapan, nanumpa sa tungkulin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 13 (PIA) – Nanumpa kamakailan ang bagong pamunuan ng Federation of Senior Citizens Association of Calapan City (FESCACC) na pinamumunuan ngayon ni Imelda Dacillo kay Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan.

Kasama ni Dacilllo na nanumpa ang iba pang opisyales ng kanilang asosasyon na sina Angel Albo bilang pangalawang-pangulo; Francisco Mercene, secretary; Fely Del Mundo, treasurer; Nieva Manansala at Angel Tuquero, mga auditor; at Honoria Romero at Ricardo Lineses bilang mga PRO.

Ayon kay Panaligan, ang tatag at pagiging buhay ng isang samahan ay hindi lamang sa mga opisyal dapat nakasalalay kundi nasa pagkakaisa din ng bawat kasapi.

Dahil dito, hiniling ni Panaligan kay Dacillo na hikayatin pa ang mga miyembro na makilahok sa kanilang mga gawain dahil naniniwala siya na kayang-kaya nilang isakatuparan ang magagandang mithiin ng kanilang samahan.

Ayon pa sa punong lungsod, dapat na ring maamyendahan ang ordinansa ng Gold Card nang maipasok na rito ang pagpapalawak ng mga benepisyo nito kagaya ng libreng Ultra Sound, To The Echo at CTScan na napakahalaga sa mga senior citizen.

Ibibigay rin ang gold card sa mga senior citizen depende sa kategorya ng kanilang pamumuhay. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s