Tagalog news: 1st Division K to 12 Basic Education Program Congress ginanap sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 13 (PIA) – Kaugnay sa nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral ngayong darating na ika-13 ng Hunyo, isinagawa rito kamakailan ang kauna-unahang Division K to 12 Basic Education Program (BEP) Congress na pinangunahan Department of Education (DepEd)-Calapan City Division.

Pormal na binuksan nina Acting Schools Division Superintendent Susana M. Bautista at OIC Office of the Assistant Schools Div. Supt. Lynn G. Mendoza ang nasabing aktibidad sa Oriental Mindoro National High School na dinaluhan ng may 625 mga guro mula sa elementarya at 315 guro sa sekondarya mula sa iba’t ibang eskwelahan sa lungsod.

Dumalo rin dito si Mayor Arnan C. Panaligan na kung saan magandang balita ang ipinaabot nito sa lahat ng mga guro na nandoon.

Ayon sa punong lungsod, dati na nyang ginagawa ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga guro kahit noong una siyang maupo bilang Mayor ng Calapan. Ito ay bilang pagkilala sa dedikasyon at pagiging tapat sa tungkulin ng mga guro.

Sa kanyang pag-upo ngayong taong ito, ayon kay Panaligan, ay itutuloy nya ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga guro at dodoblehin niya ito, o gagawing P4,000 sa taong 2017 dahil hindi na aniya nakaabot sa 2016 budget.

Ikinatuwa naman ng mga gurong nagsidalo sa nasabing congress ang balitang ito ng punonglungsod na nakitaan nila ng tunay na pagmamalasakit sa kanila bilang tagapagtaguyod at kaagapay ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng isang matatag at maunlad na syudad.

Ayon pa sa punong lungsod, mahalaga ang sektor ng edukasyon dahil isa ito sa susi sa matagumpay na kinabukasan at pagsugpo ng kahirapan, at kasabay nito ay nanawagan siya na magtulungan ang bawat isa sa pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon sa lungsod ng Calapan.

Samantala, sa dalawang araw na aktibidad para sa mga guro sa elementarya at sekondarya, masusing tatalakayin dito ang iba’t ibang aspektong kinakailangan tungkol sa pagtuturo sa ilalim ng K to 12 curriculum. Kumpyansa naman ang dibisyon ng DepEd-Calapan City Division na handa na sila sa pagpapatupad ng bagong curriculum sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

– See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/741465199538/tagalog-news-1st-division-k-to-12-basic-education-program-congress-ginanap-sa-calapan#sthash.Zxm9qUud.dpuf

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s