Tagalog news: DepEd Romblon, handa na sa implementasyon ng Sr. High School

ROMBLON, Romblon, Hunyo 9 (PIA) — Handa na ang Department of Education (DepEd) Schools Division of Romblon sa pagbubukas ng klase at implementasyon ng Senior High School ngayong pasukan 2016-2017.

Sa programang PIA Mimaropa Hour, sinabi ni Rhesty M. Mariño, spokesperson ng DepEd Romblon, na handa ang mga 26 na pansekondaryang paaralan sa lalawiagn na gagamitin ng mga mag-aaral sa Senior High School gayundin ang 107 na mga guro na magtuturo sa mga pampublikong eskwelahan.

Siniguro ng pamunuan ng DepEd Romblon na libre at walang babayaran ang mga papasok sa senior high school dahil sakop ito ng ipinapatupad na DepEd na “No Collection Policy”.

Mayroong din umanong inihandang contingency plan ang Schools Division of Romblon kung sakaling may kakulangan sa mga pasilidad sa araw ng pagbubukas ng klase sa ika-13 ng Hunyo dahil hindi pa tapos ang mga silid aralan na gagamitin ng mga senior high school.

Ayon pa kay Mariño, nakipa-ugnayan na rin sila sa mga barangay officials at LGUs upang hingin ang tulong ng mga ito kung sakaling may kakulangan sa silid-aralan, mga upuan at mesa sa paaralang gagamitin ng mga SHS.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s