Tagalog news: Curfew, pagbabawal sa paglalasing sa pampublikong lugar, paiigtingin sa Romblon

ROMBLON, Romblon, Hunyo 9 (PIA) — Paiigtingin ng pamunuan ng Romblon Municipal Police Station ang pagsita sa mga menor de edad na gagala sa dis-oras ng gabi at pagbabawal sa sinumang umiinom ng alak sa mga kalsada at pampublikong lugar.

“Labis po nating ikinababahala na ang mga batang pagala- gala at napapabayaan ng mga magulang ay maaring masangkot sa krimen o ang mas masaklap ay maging biktima nito. May mga kabataan pang nagpapahabol sa aming mga kapulisan kung gabi habang ipinatutupad namin ang nasabing ordinansa- na dapat ay nasa loob na sila ng kani-kanilang pamamahay at nasa pangagalaga ng kanilang mga magulang,” ayon sa tagapagsalita ng Romblon MPS.

Ang pagbabantay aniya sa mga menor-de-edad na anak ay responsibilidad ng mga magulang at sila ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 kung mapatunayang may kapabayaan ang mga ito.

Kaya nais ipabatid ng pamunuan ng Romblon MPS sa mga magulang na mayroong ipinaiiral na ordinansa ang pamahalaang bayan ng Romblon o tinatawag na curfew for minors sa pagitan ng 10:00PM – 4:00 AM.

Responsibildad din daw ng mga magulang na pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga anak para sa normal na pag-unlad ng buhay nito.

Mahigpit na ring ipatutupad ng Romblon MPS ang pagbabawal sa pag-iinom ng alak o mga nakakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar katulad ng kalsada, eskinita, plaza at mga gusaling pagmamay-ari ng gobyerno.

Ang hakbang na ito ay pagtalima sa mga ipinaiiral na batas ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling maayos at tahimik ang buong komunidad. (DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s