Tagalog news: Mamimili sa OccMin, nakinabang sa programang Diskwento Caravan ng DTI

SAN JOSE Occidental Mindoro, Hunyo 3 (PIA)—Umabot sa 3,182 mamimili ang nakinabang sa Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) na ginanap sa Municipal Gymnasium ng San Jose mula ika-25-26 ng Mayo.

Sa programang ito ng DTI ay nagbigay ang mga tindahan ng sampung porsyentong diskwento sa lahat ng paninda mula bigas, groceries, gamot, school supplies at marami ang iba, kung kaya naman dinumog ng mga mamimili mula bayan ng Magsaysay, San Jose, Rizal at Calintaan.

Ayon kay Myrna Dawates, Trade and Industry Development Specialist, ang Diskwento Caravan ay taon-taong ginagawa sa buwan ng Mayo upang makabili ang mga consumers ng kanilang mga pangangailangan sa mas murang halaga. Ito rin ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga tindahan na magampanan ang kanilang ‘social responsibility’ sa pamamagitan ng pagbibigay diskwento sa mga mamimili.

Sinabi naman ni DTI Regional Director Joel Valera, na nagpadala ng imbitasyon ang kanilang tanggapan sa iba’t ibang distributors na makakapagbigay ng diskwento sa kanilang mga paninda. Labindalawa ang tumugon sa kanilang panawagan mula sa bayan ng San Jose. Ang mga ito ay ang Gaisano Capital San Jose, Angel’s Department Store, Michaels’ Shopping Center, Aerolite Marketing, Oj Marketing, M-One Computer Center, The Generics Pharmacy, Save More Department Store, Uphigh Distributor Inc., JR and R Distributor Inc., National Food Authority (NFA) at GRECON. Naging katuwang din dito ang ilang establisyemento na nagbigay ng libreng serbisyo tulad ng Caregiver International Network Incorporated para sa libreng massage at cooking demo at pamahalaang bayan ng San Jose sa pamamagitan ng Municipal Health Office. “Dagdag na tulong natin sa mga magulang ang libreng gupit para sa mga batang magaaral”, ayon pa kay Valera.

Kumita ng P1,211,320 ang mga tindahan sa Diskwento Caravan ng DTI. (VND/LBR/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s