Tagalog news: Hepe ng Philippine Navy Fleet, itinalaga sa Wescom

LUNGSOD NG QUEZON, Hunyo 3 (PIA) — Itinalaga na bilang bagong pinuno ng Western Command (Wescom) ang kasalukuyang hepe ng Philippine Fleet na si Rear Admiral Ronald Joseph Mercado.

Ang Wescom ay nakabase sa Palawan.

Batay sa ulat ng DWDD, ang pagtatalaga kay Rear Admiral Mercado ay pinangasiwaan ni Acting Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lieutenant General Glorioso Miranda sa isang simpleng seremonya sa Camp General Artemio G. Ricarte sa lungsod ng Puerto Princesa.

Pinalitan ni Rear Admiral Mercado si Marine Brigadier General Elvin Hermogino na siya namang humalili sa nagretirong si Vice Admiral Alexander Lopez.

Sina Hermogino at Mercado ay magka-batch sa Philippine Military Academy Class 1983.

Ayon pa sa AFP, si Mercado ay bihasa sa napakaraming gawain at nakahawak ng iba’t ibang tungkulin sa Philippine Navy at maging sa punong himpilan ng Sandatahang Lakas.

Mananatiling hepe ng Philippine Fleet si Mercado hangga’t hindi pa nakakakita ang pamunuan ng AFP ng papalit sa kanya. (LP)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s