Tagalog news: Mga bangkero, resort employee sumali sa pagsasanay ng DOH Mimaropa

LUNGSOD QUEZON, ika-1 ng Hunyo (PIA) — Tuloy-tuloy ang kolaborasyon ng Philippine Coast Guard at ng Department of Health Mimaropa para maparami ang nakakalam ng Water Search and Rescue o WASAR.

Ayon kay DOH-Mimaropa Regional Director (RD) Eduardo Janairo, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga kababayang dumadayo sa mga resorts.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 336 katao sa Palawan ang nakapasa sa limang araw na DOH WASAR Training. Ang bilang ay mahigit sa kalahati ng 500 katao na tinatarget ng DOH-Mimaropa para sa rehiyon.

Pinakahuling pagsasanay ay ginanap sa bayan ng Coron kung saan 17 ang nakapasa noong Mayo 23-27.

Sa pamamagitan ng kasanayan sa WASAR, naniniwala si RD Janairo na makakatulong agad sa mga nalulunod ang mga sinanay. Bukod dito, mababawasan pa ang panganib na kakaharapin ng mga mag-liligtas o rescuers anu pa man ang kalagayan ng tubig: tahimik, maalon, baha o ilog.

Ang DOH WASAR Training o pagsasanay sa lifeguards at emergency responders ay bahagi ng mas malaking programa—ang Health in Tourism—na inilunsad ng DOH-Mimaropa noong Marso 24 sa Puerto Princesa.

Kabilang sa Health in Tourism ay ang pagkontrol sa daga at disinpeksyon, kalinisan sa pantalan at mga barko, paglalagay ng mga signage sa mga istratehikong lugar, paglikha ng mga samahan ng mga klinika, pagtatayo ng mga boya (buoys), tore ng lifeguard, pagsusuri ng tubig at wastong pagtatapon ng basura. (DOH-Mimaropa/LP)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s