Tagalog news: Mekanisasyon sa pagsasaka, malaking tulong sa agrikultura ng Abra de Ilog

ABRA DE ILOG, Occidental Mindoro, Hunyo 1 (PIA) — Ang pamahalaang bayan ng Abra de Ilog ay nagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mababang renta sa mga makinaryang pansakahan at subsidiya sa certified seeds.

Batid ng lokal na pamahalaan na malaki ang maitutulong ng farm mechanization sa pagunlad ng pagsasaka sa bayan ng Abra de Ilog.

Ito ang ipinahiwatig ni Municipal Agriculturist Julius Amodia, sa gitna ng kanilang isinasagawang preparasyon ng mga dokumento para sa 2015 National Quality Corn Achievers Award (NQCAA) ng Department of Agriculture (DA) kamakailan. Ayon sa kanya, mas matipid, mas mabilis at napapataas ang kalidad ng mga produktong pansakahan sa tulong ng mga makabagong makinarya sa pagsasaka.

Ipinaliwanag ito ni Amodia sa pamamagitan ng paghahalimbawa sa produktong mais, na isa sa pangunahing produkto sa Abra de Ilog. Aniya, sa paghahanda pa lamang ng lupang tatamnan ay ginagamitan ito ng farm tractors. Mas mabilis ang paghahanda ng lupa kapag ito ang ginamit. Kapag handa na ang lupa ay itatanim na ang mga mais gamit ang corn planter. Sa pagaani naman ng mga produkto ay maaring gamitan ng corn picker o kaya corn harvester.

Ayon kay Engr. Maria Christine Inting, Corn focal person ng DA Mimaropa, awtomatikong inaalis ng corn picker ang husk o balat ng mais habang ito ay inaani samantalang ang corn harvester ay may kakayahang umani, alisin ang balat (husk) at pati mga butil ng mais sa busal at ilagay sa sako.

Sinabi pa ni Inting na malaking tulong din ang mga drying facilities o post harvest facilities na ibinigay ng DA sa lalawigan, dahil kinakailangang maganda ang pagkatuyo ng mais upang magkaroon ng mataas na kalidad. Ang mataas na kalidad ng mais ang nagbibigay dito ng magandang presyo.

Ayon kay Amodia, bumibisita sa kanilang tanggapan ang mga magsasaka na kailangan ng makinarya upang mabigyan ng iskedyul samantalang ang mga nais makatanggap ng subsidiya at iba pang programa ng Municipal Agriculturists Office ay kinakailangang magsumite ng ‘letter-of-request’ sa tanggapan ng LGU. Hiniling din ni Amodia sa mga magsasaka ng Abra de Ilog na sumali sa mga samahan o kooperatiba upang mas mapadali ang pagsali nila sa mga programang ibinibigay ng LGU. “Nakikipagugnayan din ang LGU ng Abra de Ilog sa DA Mimaropa upang makatuwang sa pagbibigay ng mga pagsasanay at update ng makabagong pamamaraan sa pagsasaka”, ayon pa kay Amodia. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s