Tagalog news: Gabay sa Presyo ng school supplies, inilabas ng DTI Romblon

ODIONGAN, Romblon, Hunyo 1 (PIA) — Ang Department of Trade and Industry (DTI) – Romblon ay naglabas ng Gabay sa Presyo ng School Supplies upang maging batayan ng mga consumers at mga magulang sa pamimili ng gamit pang-eskwela para sa kanilang mga anak.

Sa inilabas na “Gabay sa Presyo ng School Suplies” ng naturang tanggapan, makikita sa Suggested Retail Price (SRP) ang halaga ng iba’t ibang mga kagamitan na kailangan bilihin sa mababa at tamang presyo ganundin ang mga brand ng bawat produkto at bilang ng mga pahina ng papel katulad ng notebook.

Kaugnay nito, sisimulan na rin ng DTI ang pagbabantay o monitoring sa presyo ng mga kagamitan sa eskuwela sa mga pangunahing pamilihang bayan, mga tindahan at establisyemento na mayroong school supplies sa buong lalawigan.

Sinabi ni Orville F. Mallorca, caretaker ng DTI Romblon, Garry Rafanan, ang monitoring na kanilang isasagawa sa bawat establisyemento o tindahan ay upang makita ang mga presyo kung ito ay sumusunod sa SRP na ipinalabas ng DTI. Ang gabay sa presyo ng school supplies aniya ay paraan upang malaman ng bawat mamimili o consumers ang maaari nilang bilhin ganundin ang mga presyo nito na ipinatutupad ng DTI.

Ayon pa kay Mallorca, malaking tulong ito sa mga magulang sapagkat magsisimula na ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo ngayong taon. Nagpaalala rin si Mallorca na sakaling mayroong mga paglabag sa presyo ng mga school supplies ay magsadya at magsumbong sa Consumer Protection Division ng kanilang tanggapan.

Kung mayroong mga katanungan o reklamo sa kalidad at presyo ng mga school supplies, maaaring tumawag sa numerong (02) 751-3330 or 0917-834333 o magsadya sa opisina ng DTI Provincial Office sa bayan ng Odiongan, Romblon.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s