Tagalog news: Aplikasyon para sa Career Service Exam, tinatanggap na ng CSC-Romblon

ROMBLON, Romblon, Mayo 27 (PIA) — Nagsimula ng tumanggap kamakailan ng aplikante ang Civil Service Commission (CSC)-Romblon para sa mga nagnanais kumuha ng Career Service Examination na nakatakdang ganapin sa lungsod ng Batangas sa ika-23 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.

Ang pagsusulit para sa professional at sub-professional level ay bukas sa lahat ng Pilipino, 18 taong gulang pataas sa araw ng pagsumite ng CS Exam application form.

Sa pahayag ni Maria Teresa Araña, Senior HR Specialist, maaari ng mag-file ng application sa provincial field office ng Civil Service Commission na matatagpuan sa ikaapat na palapag ng kapitolyo sa bayan ng Romblon.

Kasama umano sa isusumite sa CSC ang fully accomplished application form o CS Form No. 100, Revised 2015, apat na colored passport size ID picture na may puting background at examination fee na Php500.

Ayon pa kay Araña, dapat personal na ihatid o isumite ng aplikante ang application form nito sa tanggapan ng CSC.

Ang huling araw ng pagsumite ng application form ay nakatakda sa unang araw ng Setyembre.

Nagpaalala rin ang CSC na maaaring magsasara ng mas maaga ang pagtanggap ng mga field office ng aplikante kapag maabot na nila ang nakatakdang quota sa bilang ng kukuha ng eksaminasyon.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s