Tagalog news: Paggamit ng skateboard sa mga pampublikong daan sa OrMin, bawal na

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 31 (PIA) – Inaprubahan kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 2979-2016, ang pagbabawal sa paggamit ng skateboard ng mga kabataan sa mga pampublikong lansangan sa lalawigan.

Isa ngayon ito sa mga umuusong laro ng mga kabataan sa lalawigan kung kaya’t minabuti ng SP na makagawa ng isang ordinansa sa pagbabawal sa mga kabataan na gumamit ng nasabing skateboard upang makaiwas sa anumang aksidente sa lansangan.

Sa kapasiyahang inakda ni Bokal Rafael L. Infantado, nasasaad ang kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan na itiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan partikular ang mga kabataan.

Tinukoy rin dito ang kapangyarihan ng mga Sanguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod na pangunahan ang regulasyon sa paggamit ng mga kalsada at iba pang uri ng mga pampublikong lugar, sa pagkakataong ito, ang regulasyon ng mga lokal na pamahalaan sa skateboarding bilang isang recreational activity ng mga kabataan.

Nasasaad pa sa kapasiyahan na hindi alintana ng mga kabataang nag-i-skateboard ang panganib na maaaring idulot ng kanilang paglalaro.

Sa mosyon ni Bokal Ryan Z. Arago na sinegundahan ng lahat ng mga Bokal ng SP, ang kapasiyahan ay unanimously approved ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Inaaasahan naman ang agarang aksyon mula sa mga Sanggunian Bayan at Sangguniang Panlungsod upang maiwasan ang maaaring idulot na aksidente ng skateboarding sa mga lansangan sa lalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s