Tagalog news: 628 magsasasaka sa Occ Min, pasado sa School-on-Air

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mayo 27 (PIA) – Anim na daan at dalawampu’t walong magsasaka sa lalawigan ang pumasa at nagsipagtapos sa programang School-on-Air (SOA) ng Department of Agriculture (DA) Mimaropa na isinagawa mula ika-24-27 ng Mayo.

Ayon kay Clariza San Felipe, tagapamuno ng Regional Agriculture and Fisheries Information Division ng DA Mimaropa, target ng naturang programa ang mga magsasaka mula sa mga liblib na barangay ng mga bayan ng Magsaysay, San Jose at Sablayan.

“Mahirap abutin ang ilang mga magsasaka mula sa malalayong barangay, kaya’t idinaan sa radyo ” paliwanag ni farm caster Rosalila Austral, humawak ng naturang programa at kabilang sa Municipal Agriculturists Office ng bayan ng San Jose.

Isa si Gloria De Vera ng barangay Labangan bayan ng San Jose sa mga nagsipagtapos sa SOA. Ayon sa kanya malaking tulong ang mga impormasyong nakukuha nila sa programa. Kabilang sa mga di niya makalimutang aral ay akung paano reresolbahin ang problema ng acidity ng isang lupa. “Kailangan makapaglagay ng zinc sulfate na ihahalo sa abono at isasabog sa lupa” dagdag pa ni De Vera. Mahalaga rin umano na sa pagpupunla na palay ay dapat walang katabing punong kahoy na maaring pagmulan ng mga kulisap upang di ito (punla) amagin.

Ang SOA na nabanggit ay programa sa radyo noong 2015 na tumalakay sa mga makabagong pamamaraang pang Agrikultura para sa produktong palay at mais. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s