Tagalog news: 100 SPES grantee sa Romblon, natanggap na ang 60% na suweldo

ROMBLON, Romblon, Mayo 27 (PIA) — Naibigay na sa 100 estud­yante ang kanilang 60 porsyento na sahod mula sa lokal na pamahalaan ng Romblon kaugnay sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Rizal Van Mayor, Municipal Manager ng Public Employment Service Office (PESO), ang 40 porsyento naman ay magmumula sa DOLE ay direkta namang mapupunta sa unibersidad o kolehiyong pinapasukan ng estudyanteng nagtrabaho ngayong summer.

Ang mga kabataang nag-summer job ay tumanggap ng sahod na P3,366 dahil sa pagtatrabaho sa munisipyo sa loob ng dalawampu’t dalawang araw.

Ang SPES ay programa ng DOLE na naglalayong matulungan ang mga maralita ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng trabaho tuwing bakasyon.

Nakabase ang kanilang sahod sa itinakdang minimum wage kung saan 40 porsyento ay mula sa DOLE habang ang nalalabing 60 porsyento naman ay mula sa lokal na pamahalaan na kanilang pinaglingkuran.

Ang sahod na natanggap ng mga SPES grantee ay kanilang magagamit na pantustos sa kanilang mga bayarin sa paaralan at pambili ng mga gamit pang-eskwela.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s