Tagalog news: Umali, Dolor muling maglilingkod sa panibagong termino sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 26 (PIA) – Sa darating na ika-1 ng Hulyo, muling maglilingkod bilang gobernador at bise-gobernador si Gob. Alfonso V. Umali, Jr. at Bise-Gob. Humerlito A. Dolor ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Matatandaan na ganap na ika-anim ng gabi noong Mayo 10 sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong kandidato sa iba’t ibang posisyon sa provincial level.

Pinangunahan ni Provincial Canvasser Chairperson Fiscal Josephine Olivar ang proklamasyon sa mga nagwaging kandidato na karamihan ay mula sa Liberal Party (LP), ang partidong kinabibilangan ni Umali at iba pang matataas na opisyal ng lalawigan.

Sa pagka-Gobernador muling manunungkulan sa kanyang ikatlong termino si Umali na nakakuha ng 217,103 boto. Muli ring manunungkulan bilang Bise-Gobernador at 1st3-termer sa kasaysayan ng lalawigan si Dolor na nakapagtala naman ng 241,885 boto.

Samantala, sa pagka-Representative, nahalal muli sina Liberal Party stand bearer Salvador Paulino C. Leachon ng Unang Distrito sa botong 113,908 at sa segunda distrito muling manunungkulan si Representative Reynaldo V. Umali na nakapagtala ng botong 102,119.

Para sa Sangguniang Panlalawigan, kasabay na iprinoklama bilang mga nagwaging kandidato para sa unang distrito sina Atty. Antonio C. Perez na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto, re-elected Board Members Ryan Z. Arago, Atty. Rafael L. Infantado, dating Calapan City Councilor Edilberto Ilano, Jr. at re-elected Board Member Juan Paolo G. Luna. Sa ikalawang distrito, iprinoklama ng COMELEC ang mga nanalong bokal na sina Ramil O. Dimapilis, re-electionist Board Members Flor de Roxas- Atienza, Mae Arlene M. Talens, Jean Paulo Umali, at Martin S. Buenaventura.

Sa pangkabuuan, naging mapayapa ang nakaraang eleksyon sa lalawigan. Ito ay maliban sa napaulat na pagha-hang ng ilang Vote Counting Machine (VCM) na kaagad din namang naiayos ng mga itinalagang VCM technician, at ang ilang pagkawala ng pangalan ng mga botante sa listahan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s