Tagalog news: Petsa ng qualifying exam sa nagnanais maging scholars sa Romblon, itinakda

ROMBLON, Romblon, Mayo 26 (PIA) — Inilabas na ng tanggapan ng gobernador ang schedule para sa pagtanggap ng aplikasyon kasabay ang qualifying examination para sa mga nagnanais na makasama sa bagong batch ng mga scholars ng pamahalaang panglalawigan sa darating na school year 2016-2017.

Ang schedule ng pagsusulit ay gaganapin sa lahat ng campuses ng Romblon State University (RSU) sa buong lalawigan na magsisimula sa ika-25 ng Mayo hanggang sa unang araw ng Hunyo ngayong taon.

Ginanap ang unang pagbibigay ng pagsusulit ngayong araw sa mga bayan ng San Andres (8:00 AM) at Calatrava (1:00 PM) kung saan kasunod pa itong ginawa sa mga sumusunod na bayan: Sta Maria (8:00 AM) at San Agustin (1:00 PM); at sa ika-26 ng Mayo, Santa Fe sa ika-27 ng Mayo ganap na alas-10:00 ng umaga, RSU main campus sa bayan ng Odiongan sa ika-28 ng Mayo ganap na ika-8:00 ng umaga, RSU Romblon (Sawang campus) sa ika-30 ng Mayo sa ganap na ika-8:00 ng umaga, Cajidiocan sa ika-31 ng Mayo ganap na ika-1:00 ng hapon at San Fernando sa unang araw ng Hunyo ganap na ika-10:00 ng umaga.

Para sa mga interesadong mag-aplay sa naturang programa, kinakailangang magdala ng Certificate of Indigency mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO); 1 orihinal at photocopy ng form 138 o kaya ay Certification of Grades (COG) na may general average na 85% para sa papasok pa lamang sa kolehiyo; 2.5 general average sa mga kasalukuyang nasa kolehiyo na at hindi pa kabilang sa anumang scholarship program.

Ang mga aplikante ay dapat lehitimong naninirahan sa lalawigan ng Romblon, high school graduate o kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo at may mabuting asal o pag-uugali.

Sa mga nais mag-apply sa Provincial Government Scholarship Program (PGSP), ito ay pinapayuhang magsadya ng personal sa Office of the Governor sa ikalawang palapag ng provincial capitol building na matatagpuan sa Bgy. Capaclan, Romblon, Romblon.

Maaaring magsumite rin ng kinakailangang rekisitos sa mismong araw ng itinakdang pagsusulit sa RSU campus na malapit sa kanilang lugar at kinakailangan ding magdala ng valid ID, ball pen at calculator sa mga kukuha ng qualifying exam.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s