Tagalog news: Palawan isinailalim na sa ‘state of Calamity’

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 26 (PIA) — Isinailalim na sa ‘state of calamity’ ang buong lalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng sangguniang panlalawigan kamakailan sa kanilang regular na sesyon.

Ang hakbang na ito ng konseho ay base na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) dahil sa matinding epekto ng El Nino Southern Oscillation (ENSO) Phenomenon sa sektor ng agrikultura sa buong probinsiya.

Ayon kay Board Member Leoncio Ola, Chairman ng Appropriation Committee, isa pa sa naging basehan nila sa pagdi-deklara ng state of calamity ay ang nauna ng pagdideklara ng state of calamity ng mga bayan ng Dumaran, Roxas at Taytay.

Sa mahigit Php100 milyon na calamity fund ng pamahalaang panlalawigan tanging ang 30 porsiyento na nakapaloob sa Quick Response Fund lamang ang napagkasunduan ng sangguniang panlalawigan na maaaring gamitin sa para sa ngayong state of calamity ayon kay BM Ola.

Dagdag pa nito, na ipa-prayoridad na mabigyan ng tulong ang tatlong munisipyo na nagdeklara ng state of calamity. Samantala, ang Php5 milyon mula naman sa Php10 milyon trust fund ng pamahalaang panlalawigan ang ipambibili ng bigas upang ipamahagi sa mga mapipiling benepisyaryo sa 10 pang munisipyo sa lalawigan na naapektuhan din ng El Nino Phenomenon.

Matatandaan na ayon sa ulat ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa pagpupulong ng PDRRMC kamakailan ay mayroong 22,130 ektarya ng standing crops ang nasira at nasa 7,145 magsasaka ang naapektuhan ng El Nino. Tinataya naman ng OPA na umaabot sa Php414 milyon ang nalugi sa mga magsasaka mula sa kanilang mga pananim na nasira at iba pang produktong pang-agrikutura kasama na ang sector ng pangisdaan at livestock.

Nilinaw naman ni BM Ola na hhindi cash ang ipapamahai sa mga magiging benepisyaryo kundi mga pangangailang pang-agrikultura tulad ng abono, binhi, pestisido at iba pang pamamaraan na makakatulong upang muling makabawi sa kanilang pabkalugi ang mga magsasaka sa Palawan. (OCJ/LBR/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s