Tagalog news: Pagproseso sa mga produktong agrikultural sa OrMin, pinag-aaralan ng LGU

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 24 (PIA) – Pinag-aaralan na ngayon ng pamahalaang panlalawigan, sa pakikipagtuwang sa mga pribadong sektor ang pagpoproseso ng mga raw materials dito upang kapag inilabas ito at ibinenta sa ibang lugar ay mas tumaas pa ang halaga ng mga produkto sa pamilihan.

Matatandaan na kamakailan lamang ay lumagda si Gob. Alfonso V, Umali, Jr. sa isang Joint Venture Agreement sa pagitan ng Merged Energy and Environment Corporation (MEEC) at ng community-based people’s organization at community-based industry management association na nagsasaad ng pagsasagawa ng pag-aaral, pagtukoy ng mga produktong mayroon sa lalawigan na aakma sa demand ng pamilihan hindi lamang sa ibang lugar sa Pilipinas, manapa’y maging sa pandaigdigang pamilihan.

Ipinahayag naman nina MEEC CEO at President Ma. Rosella de Ocampo, MEEC Program Manager Kennedy Tuazon at MEEC Sec. Ricardo Poblete, na ang MEEC ay naglalayong solusyunan ang mga isyu hinggil sa kahirapan at suliranin sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng mga kagubatan at pagkakaroon ng mga renewable energy o enerhiyang malinis at magbibgay ng tuluy-tuloy na pag-unlad sa sosyo-ekonomikong pamumuhay.

Layunin nito na mapataas ang kita ng mga magsasaka sa lalawigan at maitaas din ang kalidad at halaga ng mga produktong lumalabas sa Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga pinag-aaralang produkto sa lalawigan ang malunggay, gayundin ang pagkakaroon ng renewable energy at forest farm kabilang ang kawayan para sa mga iba’t ibang uri ng furniture, wood products. Ipinakikilala nito ang epektibong paraan ng pangangalaga sa kapaligiran na magbibigay-benepisyo sa mga nakapaligid na pamayanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pangkabuhayan mula sa mga raw materials na nakapaligid sa kanila. Ituturo rin ang teknolohiya ng pagpoproseso ng mga raw materials na ito upang gawing finished products bago madala at mailuwas, hindi lamang sa pambansa, manapa’y sa pandaigdigang pamilihan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s