Tagalog news: ‘New Castle Virus’ bagong sakit ng mga manok

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 24 (PIA) – May bagong sakit ng mga manok na tinawag na new castle virus ang pinangangambahan ngayon ng bansa.

Dahil dito, mas pinaiigting ngayon ng Provincial Veterinary (ProVet) Office ang pagbabantay sa mga pumapasok at lumalabas na “poultry products” sa lalawigan dahil sa pagkalat ng nasabing virus.

Ayon kay ProVet Veterinarian IV Dr. Alfredo Manglicmot, ipinatutupad nila ang regulasyon sa pagkakaroon ng dokumento na nagpapatunay na nabakunahan ang mga manok at walang sakit bago ito payagang maipasok sa lalawigan.

Ang New Castle Virus ay isang virus na kung saan pumipilipit ang leeg ng mga alagang manok o torticholis sa “medical term” na siyang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga ito sa kadahilanang hindi na ito makakain.

Matatandaang kamakailan ay tinamaan ng isang uri ng peste ang hilagang parte ng Luzon na siyang sumira sa industriya ng produksyon ng manok. Ayon pa kay Manglicmot, marami pang ibang sintomas ang mga manok na senyales na ito ay tinamaan ng naturang virus.

Aniya, kapag nagka-virus ang mga alagang manok, malaki ang malulugi sa mga nagsusuplay ng karne at itlog ng manok. Maaari rin itong kumalat sa mga karatig na lugar na nag-aalaga ng manok. Sinabi rin niyang hindi lamang manok ang maaaring tamaan nito, kundi pati na rin ang iba’t-ibang uri ng ibon na kabilang sa “avian” family. Dapat ding i-dispose nang maayos ang mga patay na manok.

Dagdag pa niya, hindi naman naililipat ang new castle virus sa tao ngunit may posibilidad namang maging sanhi ng “conjunctivitis” o sore eyes sa tao. Ipinapayo na kapag nagkaroon ng kontak sa mga “infected” na manok, ay agarang maghugas nang maigi at magpalit ng damit upang hindi magkaroon ng nabanggit na sakit.

Paalaala pa niya, maaaring makipag-ugnayan sa City, Municipal at Provincial Veterinary Office hinggil sa iba pang kaalaman sa nasabing virus. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s