Tagalog News: Limang 4Ps college scholar, nagtapos ngayong taon sa Romblon State U

ODIONGAN, Romblon, Mayo 24 (PIA) — Limang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya (4Ps) na college scholar sa ilalim ng Expanded Students’ Grant-In-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP – PA) ang nagtapos ngayong taon sa Romblon State University (RSU).

Sinabi ni Jomel O. Fillartos, grievance officer II ng DSWD-Romblon na ang ESGP – PA ay isang joint project ng DSWD, Commission on Higher Education (CHED) at Department of Budget and Management (DBM) na nagbibigay ng pagkakataon na makapag-aral sa kolehiyo ang mga anak ng Pantawid Pamilya beneficiaries.

Aniya, ang mga grantee ng ESGP-PA ay lehitimong anak ng mahihirap na pamilya subalit may potensiyal o angking talino kaya’t ninais ng pamahalaan na mabigyan ito ng karappatang makpagtapos sa pag-aaral.

Ang mga kabataang nagsipagtapos sa kolehiyo ngayong taon sa kusong Bachelor of Science in Information Technology (BIST) ay sina Roncalbert Barrera, Shyreen Gabayno, Charmaine Mallen at dalawa naman ang nagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSED) na sina Maylyn Madeja at Dorothy Rivas.

Ayon pa kay Fillartos, kada taon ay mayroong 466 college scholars ang DSWD Romblon dahil kapag may nagtapos, nag-drop o tumigil sa pag-aaral, agad nila itong pinapalitan upang mas marami ang makinabang sa programang ito ng pamahalaan.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s