Tagalog news: Kapulisan sa OccMin, sasailalim sa criminal investigation course

SAN JOSE, Occidental Mindoro, May 24 (PIA)—Nais ng pamunuan ng Provincial Police Office (PPO) na sumailalim sa pag-aaral ang lahat ng kapulisan sa lalawigan ng Criminal Investigation Course (CIC).

Ito ay ayon kay SPO2 Mary Anne Pandiño, tagapagsalita ng Provincial Investigation and Detective Management Branch (PIDMB), sa isinagawang Technical Working Group (TWG) Meeting at Operational Review ng PPO noong ika- 18 ng Mayo sa Camp Winston Sibley Ebersole, San Jose.

Ayon sa tagapagsalita ng PIDMB, makapagbibigay ang CIC sa mga kapulisan ng kinakailangan nitong kaalaman at galing sa pagsasagawa ng imbestigasyon, na isa sa mga pamamaraan sa paglutas ng isang kaso. “Mahalaga ang mga itinuturo sa CIC. May mga pagkakataon na nawawalan ng saysay ang isang kaso dahil hindi kwalipikadong imbestigador ang humawak nito”, paliwanag ni Pandiño.

Pinasimulan ang pagsasanay ng CIC sa lalawigan noon pang 2014 kung saan kadalasan ay may humigi’t kumulang na 50 uniformed personnel ang kumukuha nito taon-taon na maaring manggaling sa Municipal Police Station (MPS), National Support Unit (NSU), Aviation, Highway Patrol Group (HPG), Criminal Lab at PPO.

Sa kasalukuyan ay may 164 Investigation Positions (PI) sa buong lalawigan at dahil kaunti lamang ang kwalipikadong humawak ng mga posisyong ito, madalas na dalawa hanggang tatlong PI ang hawak ng isang pulis.

Nakatakda naming madagdagan pa ang bilang nga mga imbestigador sa lalawigan sa pagtatapos ng 54 uniformed personnel sa ika-31 ng Mayo. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s