Tagalog news: DTI-Palawan, sinisigurong nasa tamang presyo ang mga bilihin

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 24 (PIA) — Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan sa presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan sa buong lalawigan.

Ang hakbang na ito ng DTI-Palawan ay upang masiguro ang kapakanan ng mga mamimili alinsunod sa Republic Act No. 7581 o Price Act, kung saan ang batas na ito ang nagbibigay proteksiyon sa mga mamimili mula sa hindi makatuwirang pagbabago ng presyo sa mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ayon kay DTI-Provincial Director Rosenda, Fortunado, regular ang ginagawang pagmomonitor ng DTI sa presyo ng mga bilihin at tinitiyak din ng kanilang ahensiya na may sapat na dami ng mga pangunahing produkto sa pamilihan at merkado na nasa tama ang presyo at abot kaya ng mamamayan.

Dagdag pa ni Dir. Fortunado, sa kanilang buwanang monitoring ay naaayon pa rin sa lebel ng ‘suggested retail price’ o SRP na pinalabas ng DTI Head Office ang mga presyong umiiral sa mga pangunahing produkto sa lungsod ng Puerto Princesa.

Para sa karagdagan kaalaman hinggil sa SRP ay maari pong bisitahin ang DTI Website na http://www.dti.gov.ph.

Paala-ala ng DTI na ang ‘Matalinong consumers always gets the best value for money’. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s