Tagalog news: Amos Tara! Community Center, binuksan sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 24 (PIA) — Bukas na sa publiko ang Amos Tara! Community Center matapos na ito ay pormal na pasinayaan kamakailan sa pangununa ni Department of Health (DOH)-MIMAROPA Regional Director Eduardo C. Janairo.

Pangunahing layunin ng nasabing sentro ay upang mabigyan ng lugar ang bawat indibidwal na nangangailangan ng serbisyo tungkol sa HIV (Human Immunodeficiency Virus).

Ito ay matatagpuan sa #41 Abad Santos St., Barangay Masipag, Puerto Princesa City. Ito ay magkatuwang na itinataguyod ng DOH, Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI), Project Health, Help, Hope, Happiness (PH4), at The Love Yourself (TLY).

Ang “Amos Tara! ay bukas mula araw ng Miyerkules hanggang araw ng Linggo ganap na ika-10 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi. Magbibigay at magsasagawa ito ng libre at mabilis na pagsusuri ng HIV sa mga boluntaryong indibidwal na nais malaman ang kanilang kalusugan partikular na mga aktibo sa sekswal na aktibidad. Kasama rin dito ang pre at post counselling.

Ayon kay Dr. Janairo, nangunguna pa rin ang Palawan sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng HIV sa buong Rehiyon ng MIMAROPA.

Sa ulat ni Dr. Louie Ocampo, Chief of Medical Professional Staff ng Ospital ng Palawan umaabot na sa 88 kaso ng HIV ang naitatala sa buong lalawigan mula pa noong 1994 hanggang sa kasalukuyan.

Mula 1994-2014, nasa 38 ang bilang ng kaso ng HIV sa Palawan, 40 noong 2015 at 10 ngayong 2016 at maaari pa itong madagdagan sa mga susunod na buwan matapos na buksan ang Amos Tara! Community Center, dagdag ni Dr. Ocampo kung saan 99% dito ay yong tinatawag na MSM o men having sex with men.

Inaasahan naman ng DOH, PSFI, PH4 at TLY na sa pamamagitan ng Amos Tara ay mapipigilan na ang pagdami pa ng kaso ng HIV sa lalawigan sa pamamagitan ng tamang kaalaman hinggil sa HIV na ipapalaganap ng mga peer volunteer worker ng nasabing sentro. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s