Tagalog news: 27,200 units ng solar home system, tinanggap ng LGU Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 20 — Isinalin na sa pamahalaang panlalawigan ng Palawan ng kompanyang Best Brands, Incorporated ang nasa 27,200 units ng indibidual solar home system na dumating kamakailan.

Ang nasabing mga solar home systems ay personal na tinanggap nina Gob. Jose Pepito C. Alvarez at Bise Gobernador Victorino Dennis M. Socrates bilang mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan.

Isinagawa ang ceremonial turn-over ng mga ito kamakailan sa lobby ng Kapitolyo na sinaksihan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan at mga hepe ng iba’t-ibang departamento ng Kapitolyo.

Ang naturang mga solar home system units ay ipamamahagi sa natukoy na benepisyaryo mula 211 barangay ng 22 munisipyo ng lalawigan sa pamamagitan ng Solar Home Systems Electrification Project (SHSEP).

Ang SHSEP ay isa sa mga programang nakapaloob sa Palawan Island Power Development Plan 2015-2035 sa ilalim Joint Energy Development Advisory Group (JEDAG). Ito ay naglalayong makapagbigay ng ilaw sa mga malalayo at liblib na lugar sa lalawigan o yaong hindi abot ng linya ng kuryente mula sa Palawan Electric Cooperative (PALECO) at Busuanga Island electric Cooperative (BISELCO). (OCJ/PIA4B/Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s