Tagalog news: Pagluluwas ng uling mula OrMin, pansamantalang pinapayagan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 18 (PIA) – Pansamantalang pinapayagan ngayon ang sinuman na magluwas ng uling palabas ng Oriental Mindoro hanggang Hunyo 15 lamang basta’t may kaukulang papeles.

Nasasaad sa moratorium na pansamantala lamang ito dahil hindi ito bababa sa anim na buwan mula nang magdeklara ang Sangguniang Panlalawigan ng State of Calamity noong Disyembre 2015.

Layunin nitong bigyang pagkakataon na maibenta ang malaking bulto ng uling mula sa mga nasalantang punong kahoy sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Nona. Ang mga naturang puno ay hindi na maaari pang magamit bilang materyales sa paggawa ng bahay. Dahil sa dami nito at sobra pa sa pangangailangan ng lalawigan, mas maibebenta ito sa merkado sa labas ng lalawigan.

Kinakailangan lamang na kumpleto ang mga kaukulang dokumentong isusumite sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang mga tanggapang magi-inspeksyon kung papayagan o hindi ang pagluluwas ng uling.

Kung mapapatunayan namang pinalsipika ang mga naturang dokumento, maaaring maharap sa kaukulang kaso at pagmumulta ang sinumang lalabag dito.

Samantala, ang mga natukoy na lugar na pinapayagang makapagluwas ng uling palabas ng lalawigan ay ang mga bayan ng San Teodoro, Baco, Calapan, Naujan, Bansud, Victoria, Gloria, Soccoro, at Pinamalayan lamang. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s