Tagalog news: Mga magsasaka sa OccMin, sinanay sa pagnenegosyo

LUNGSOD NG QUEZON, Ika-18 ng Mayo (PIA) — Walumput-siyam na magsasaka mula sa Occidental Mindoro ang nagsitapos kamakailan ng pagsasanay sa batayang pagnenegosyo sa ilalim ng Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services o ARCCESS Project.

Ang mga magsasaka ay mga miyembro ng Tagumpay ng Curanta Free Farmers Cooperative (TACUFFC), Alacaak Development Cooperative (ALDECO), Mamburao Multi-Purpose Cooperative (MAMUPCO), San Carlos Multi-Purpose Cooperative (SACAMUCO), Purnaga Farm Association (PFA) at Tuban Blessed Farmers Cooperative (TUBFARMCO).

Nilalayon ng pagsasanay, ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Luisito Jacinto, ay para maihanda ang mga magsasaka sa negosyong kanilang papasukin.

Kabilang sa mga pinag-aralan ng mga magsasaka ay ang pagtatala o records keeping, cost and return analysis at pangangasiwa ng mga makina na galing sa ARCCESS project.

Tinalakay din sa pagsasanay, ayon kay Project Team Leader Walfredo Rola, ay pangangasiwa ng pananalapi, pagbebenta o marketing at pagpapaunlad ng samahan.

Umaasa si Rola na mapapasigla pa ng mga kalahok ang mga negosyo ng kani-kanilang mga samahan sa susunod na limang taon. (LP/pia4b)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s