Tagalog news: Diskwento Caravan ng DTI sa lalawigan ng Romblon, kasado na

ODIONGAN, Romblon, Mayo 18 (PIA) — Kasado na ang isasagawang diskwento caravan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Romblon sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Aarangkada ang diskwento caravan simula ika-16 ng Mayo hanggang ika-talo ng Hunyo sa mga bayan ng Santa Fe, Looc, Sta. Maria, San Agustin, Corcuera,Concepcion at Sibuyan island.

Ayon kay DTI provincial caretaker Orville F. Mallorca, layunin ng naturang aktibidad na makatulong sa mga kababayan na maibsan ang gastusin bago sumapit ang pasukan sa eskwela upang makapamili ng dekalidad na mga produkto.

Nilalayon din ng programang ito na mabigyan ng kaunting ayuda ang mga naghihikahos sa pananalapi na pamilyang Pilipino bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa pamilihan.

Makabibili aniya o sa kanilang diskwento caravan ng mga kagamitang pang-eskwela at ilang produktong pambahay na ibebenta sa wholesale price o presyong Divisoria, gaya ng notebook, lapis, ballpen, papel at eraser gayun din ang sabon, sardinas, health drinks at shampoo.

Iginiit nya na ang mga ilang produktong nabanggit ay nakuha mula sa mga distributors kaya napakalaki ng matitipid ng mga kababayan natin sa mga kagastusan ngayong pasukan.

Aabot aniya ng lima hanggang bente porsyento ang maaaring diskwento na makakamit ng consumer at malaking bawas din ang gugugulin ng mga ito sa pamasahe’t oras dahil mas inilapit ng DTI sa mamamayan ang kanilang serbisyo.

Tulong din aniya ito sa mga small and medium enterprises upang makilala ang kanilang mga produkto para lumawak ang kani-kanilang mga merkado.

Sa halimbawang ibigay ng DTI, ang kagamitan ng isang mag-aaral na nangangailangan ng walong notebooks, isang pad paper, isang lapis o ballpen, ay aabot lamang sa halagang P86.50 gayong ang regular na presyo sa nabanggit na gamit ay di kukulang sa halagang P111 o makatitipid ng P24.50 na pwede namang ipambili ng de-lata, kape, gatas o maaring itumbas na sa kalahating kilo ng bigas.

Gayun pa man, sinabi ni DTI Provincial Caretaker Mallorca na di ninanais ng programang ito na direktang makipag-kompetensiya sa mga negosyante kaya minarapat nilang di ilapit sa pamilihan ang caravan bagkus ay kanilang gagawin sa loob ng mga paaralan.

Maging ang oras ng pagbebenta ay aabot lamang ng 3 hanggang 5 na oras lamang kada bahagi ng kanilang caravan.

Ang panahon ng pag-iikot ng diskwento caravan ay kanilang itinaon sa Linggo ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela upang mabigyan nng magandang pagkakataon ang mga magulang at iba pang kababayan na makapamili na ng kanilang pangangailangan bago magsimula ang pasukan.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s