Tagalog news: Asosasyon ng mga magsasaka sa Romblon, tatanggap ng waterpumps mula DA

ROMBLON, Romblon, May 18 (PIA) — Nakatakdang ipagkaloob ng Department of Agriculture ang tatlong water pumps sa mga asosasyon ng magsasaka sa bayan ng Romblon na makatutulong sa pagpapadaloy ng tubig sa kanilang sakahan.

Kabilang sa mga tatanggap ng water pumps ay Macalas-Tambac-Ilauran Irrigators Association, Agnipa Irrigators Association at GSP Tambac Vegetable Association.

Ang kagamitang ito ay tugon ng DA sa tulong ng National Irrigation Administration (NIA) sa kahilingan ng mga magsasaka sa Romblon na masolusyonan ang kanilang suliranin sa patubig lalo na ngayong tag-init.

Sinabi ni Marcos M. Muros, agriculture technician ng Office of the Municipal Agriculturist, na mabilis ang naging aksiyon ng Kagawaran ng Pagsasaka sa kanyang liham na humihiling ng ganitong uri ng gamit sa pagsasaka sapagkat tuyot na umano ang mga lupang nililinang ng mga magsasaka dahil sa epekto ng El Niño.

Aniya, hindi dapat pabayaan ang mga masisipag na magsasaka na kahit makuba na ay hindi napapagod magtanim at mag-ani para masiguro na mayroon tayong makakain. Hangga’t maaari, ibinibigay ng pamahalaan ang kanilang pangangailangan upang maibigay rin nila ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan gaya ng pagkain.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s