Tagalog news: Drug testing lab sa bawat lalawigan, hiniling sa Reg’l Dev’t Council

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 17 (PIA) – Sa isinagawang Regional Development Council (RDC) Meeting sa lalawigan kamakailan, hiniling ni Occidental Mindoro Gene Mendiola na magkaroon ng Drug Testing Laboratory sa bawat lalawigan ng rehiyong Mimaropa.

Ito ay bunsod ng problemang paglaganap ng iligal na droga kaya’t mas mainam na magkaroon ng laboratory upang mapabilis ang proseso ng pag-eksamen sa mga drogang nakukumpiska ng mga otoridad.

Layunin din nito na maiwasan ang mga iregularidad na nangyayari kapag nakakakumpiska ng iligal na droga ang ahensyang may kinalaman dito.

Bagama’t may ginagawa naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nangyayari pa rin ang switching ng mga nakumpiskang droga dahil kailangang dalhin ito sa Drug Testing Laboratory upang makumpirma kung saan marami pang maaaring mangyari o maaari pang mapalitan ito dahil malayo sa lugar na pinangyarihan ng pagkumpiska, bago pa ito maideklarang shabu.

Samantala, mungkahi naman ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. na tutukan ang suliranin sa droga dahil, aniya, suliranin ito hindi lamang ng lalawigan kundi ng buong bansa. Kung kinakailangan aniyang dagdagan ang tao ng PDEA ay gawin ito sa lalong madaling panahon at hindi dapat magsayang ng oras sa talakayan kundi mas mahalagang kaagad itong maaksyunan.

Sa Oriental Mindoro, may 91 barangay, ayon sa Punong Lalawigan ang apektado ng droga kung kaya’t hiniling niya na magdagdag pa ng mga tauhan ang PDEA para ma-i-deploy ang mga ito hindi lamang sa Oriental Mindoro kundi sa iba pang lalawigan na mataas ang antas ng bilang kasong illegal drugs. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s