Tagalog news: Mahigit 100 baril nakumpiska ng PNP-OrMin sa pagpapatupad ng Gun Ban

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 13 (PIA) – Mahigit 100 baril na ang nakumpiska ng PNP alinsunod sa ipinatutupad na Election Gun Ban sa lalawigan.

Seryoso ang Philippine National Police (PNP) sa pagpatupad ng gun ban bilang pagseguro sa katahimikan at kapayapaan ngayong panahon ng halalan.

Ito ang ipinahayag ni PNP Provincial Director P/SSupt. Florendo C. Quibuyen sa pakikipanayam dito ng Kapitolyo Para Sa Mamamayan o KPSM kamakailan lamang.

Ayon kay Quibuyen, sa naturang bilang mahigit 50 ang personal na isinurender ng mga may-ari ng baril.

Binubuo ang mga baril ng iba’t ibang kalibre na may mahahaba at maiikli ang sukat. Kalimitan aniya, nasasabat ang mga iligal na pagdadala ng baril sa kanilang one time-big time operations tulad ng Operation Katok, search warrant, at PNP Comelec checkpoint.

Inaasahan naman na ang balitang ito ay magsisilbing paalala sa mga gun owners na pinagbabawal pa rin ngayon ang pagdadala ng baril paglabas ng bahay alinsunod na rin sa patuloy na pagpapatupad ng election gun ban. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s