Tagalog news: 1470 katutubo sa OccMin, hiwalay na bumoto noong eleksyon

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mayo 13 (PIA)– Nakahiwalay na bumoto ang may 1470 katutubo sa lalawigan nitong nakaraang eleksyon.

Ayon kay Erline Rivera, isang guro sa Green Pastureland Christian Academy, Semirara Antique at katutubong Mangyan mula sa tribong Hanunuo, mas nagustuhan nila ang bagong sistema na magkakasama ang mga katutubo sa iisang polling precinct. Paliwanag ni Rivera, nagkakaintindihan sila at nakakakilos ng malaya. Naiiwasan din ang diskriminasyon na naranasan ng ilang mga katutubo noong mga nakaraang eleksyon.

Pinatunayan ito ni Lito Legaspi, isa ring katutubong Hanunuo ng Sityo Kalinisan, barangay Bayotbot sa bayan ng San Jose at kasapi sa LENTE (Legal Network for Truthful Elections). Batay sa salaysay ni Legaspi, may pangyayari ng nagdaang eleksyon na may ilang katutubo na nagmula pa sa kabundukan para bumoto. Dumarating sila sa polling precinct na basa ng pawis at may iba umanong amoy kung kaya’t ipinahuhuli sa pila ng mga Tagalog (tawag ng mga katutubo sa mga taga kapatagan). Kadalasan aabutin na ng gabi sa pila ang mga katutubo, at dahil sa tagal nang paghihintay at gutom ay uuwi na lamang ang mga ito kahit hindi pa nakakaboto.

Ito ang ilan sa mga iniiwasang mangyari kung kaya naipasa ang Commission on Election (COMELEC) Resolution bilang 10080. Binibigyan ng naturang resolusyon nang pagkilala ang karapatang ng mga katutubo na makaboto sa isang lugar na malapit sa kanilang kumunidad at malayo sa pananakot, diskriminasyon at gayundin sa hakot system.

Inaasahan na magiging daan ang resolusyong nabanggit upang mahikayat pa ang mas maraming katutubo na makilahok at gamitin ang kanilang karapatang pumili ng mga lider na sa tingin nila ay may pagmamalasakit sa kapakanan ng mga katutubo. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s