Tagalog news: Proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa Palawan provincial level inaasahan bukas

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 12 (PIA) —- Dahil sa mabagal na dating ng mga resulta ng katatapos na halalan noong Lunes sa Provincial Board of Canvassers ay inaasahang bukas pa maipoproklama ang mga nanalong kandidato sa ‘provincial level’.

Ito ang inihayag ni Comelec – Palawan Provincial Election Supervisor Atty. Percival Mendoza na siya ring Chairman ng Provincial Board of Canvassers (PBOC).

Hanggang sa kasalukuyan ay 15 munisipyo pa lamang sa lalawigan ng Palawan ang nakapag-transmit sa Provincial Board of Canvassers. Ito ay ang mga bayan ng Araceli, Narra, Quezon, Brookes Point, El Nido, Busuanga, Kalayaan, Bataraza, Magsaysay, Roxas, Rizal, Dumaran, Coron, Cagayancillo at San Vicente.

Ang nalalabing walong munisipyo pa at ang resulta ng botohan sa Puerto Princesa ang hinihintay upang makumpleto ang resulta sa lahat ng kandidato sa ‘provincial level’.

Ang pagka-antala ng pagta-transmit ng resulta ng halalan ay dahil sa pagkakaroon ng aberya sa Broadband Globla Area Network (BGAN) at sa mahinang internet connection.

Samantala na-iproklama na ng Comelec ang mga nanalong kandidato sa mga munisipyo na nakapag-transmit na ng kanilang resulta sa halalan. (OCJ/LBR/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s