Tagalog News: Mga nanalong kandidato sa Romblon, naiproklama na ng Comelec

ROMBLON, Romblon, Mayo 12 (PIA) — Pormal nang naiproklama kahapon ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong kandidato sa pagka-kongresista, gobernador, bise gobernador at mga bokal sa una at ikalawang distrito ng lalawigan ng Romblon.

Ang nanalong congressman ay si Emmanuel F. Madrona na nakakuha ng botong 57, 483 at may 255 botong kalamangan kontra sa kalaban nitong si Robert Fabella.

Nanatili namang gobernador si Eduardo C. Firmalo na nagkamit ng 82,863 boto o nanalo via landslide sa mahigpit nitong kalaban na si Gerard S. Montojo kung saan 45,567 ang naging lamang ng boto ni Firmalo sa kanyang katunggali.

Bagamat walang naging kalaban sa posisyon bilang bise gobernador si Jose R. Riano ay nakakuha pa rin ito ng botong 75,493 mula sa kanyang mga kababayan.

Naiproklama na rin kahapon ng Comelec ang lahat ng mga nanalong bokal (provincial board member) sa una at ikalawang distrito ng lalawigan.

Ang mga nagwagi bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa unang distrito ay sina Samuel Romero, Abner Perez, Armando Gutierrez at Narciso Bernardo Jr.

Sa ikalawang distrito naman ay sina Felix Ylagan, Andrew Fondevilla, Fred Dorado at Venizar Maravilla.

Ayon kay Provincial election Supervisor Atty. Fernando C. Besiño, naiproklama na rin ng mga municipal board of canvassers ang mga nananalong alkalde, bise alkalde at mga konsehal sa 17 munisipyo ng probinsiya. Aniya, walang mga ‘untoward incident’ noong araw ng halalan at naging maayos sa pangkalahatan ang katatapos na eleksiyon.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s