Lathalain: OrMin Prov’l Agri Ofc, may payo sa mga magsasaka

Mayo 11, 2016, Ipinapayo ng Provincial Agriculture’s Office (PAO) sa mga magsasaka na magkaroon ng organikong pamamaraan ng pagsasaka upang hindi na gumamit pa ng mga synthetic fertilizers na nakaaambag sa higit na pag-init ng mundo.

Ayon sa pag-aaral ng pamahalaang lokal, ang paggamit ng fertilizer at pesticide, bagamat nakapagpapataas ito ng ani o produksyon ng mga pananim, ay naglalabas ng nitrous oxide at nakaaambag sa pag-init ng mundo.

Nakadadagdag din sa greenhouse gases ang paggamit ng gatong at langis para sa traktora, mga pasilidad, para sa trucking at shipping, gayundin ang paggamit ng elektrisidad.

Sa agrikultura, ang paghahawan sa mga malalawak na lupain para sa pag-iiba ng mga paggagamitan nito na kalimitang nagre-resulta sa pag-aalis ng mga puno ay nakapagpapainit ng hulab ng kalawakan.

Gayundin ang pagsusunog ng dayami ng pinag-anihan ng palay na hanggang ngayon ay may mga gumagawa pa ring magsasaka ay nakaaambag din sa pag-init ng mundo. Mas mainam na bulukin na lamang ang pinag-anihan upang magawang organikong pataba sa mga halaman.

Sa mga ganitong gawain, nananawagan ang Pamahalaang Panlalawigan na iwasan na ang mga ganitong pamamaraan at hinihikayat ang lahat na magsagawa ng organikong pamamaraan ng pagsasaka. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s