Tagalog news: Konstruksyon ng Puerto Galera-Abra De Ilog circumferential road, 32% tapos

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 6 (PIA) – Tinatayang nasa 32 porsiyento nang tapos ang konstruksyon ng Puerto Galera-Abra De Ilog circumferential road na isinasagawa ngayon sa nasabing lugar.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P2.5 milyon at ito ay inaasahang magbibigay ng malaking ambag sa pag-unlad ng turismo, kalakalan at ekonomiya ng dalawang lalawigan sa isla ng Mindoro.

Ito ay may habang 2,939.68 lineal meters mula Puerto Galera hanggang boundary ng Abra de-Ilog sa Occidental Mindoro ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Engr. III Alexander D. Malitao.

Aniya, tuluy-tuloy ang konstruksyon nito, partikular ang pagsasagawa ng earth works, tulad ng gabion, slope protection, road widening, at iba pa.

Matatandaang binisita kamakailan ni Occidental Mindoro Governor Mario Gene Mediola ang proyekto sa Puerto Galera. Binigyang-diin niyang malaki ang maitutulong nito sa pag-angat ng ekonomiya at turismo ng dalawang lalawigan.

Ang proyekto ay sinimulan noon pang Hulyo 24 ng nakaraang taon, at nakatakda sanang matapos ng Hulyo 17 ngayong taon. Ngunit dahil sa “hard rocks” o matitigas na bato na madadaanan ng proyekto, maaantala ito dahil sa mangangailanagan ito ng “controlled blasting” na ang permit ay nire-request pa sa Philippine National Police (PNP) Camp Crame sa Maynila. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s