Village Electrification Program, patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 2(PIA) — Patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang Village Electrification Program (VEP) bilang tugon sa kawalan ng serbisyo ng elektrisidad sa mga isla na kabilang sa off-grid areas ng lalawigan.

Ito ang ipinabatid ng Energy Development Program ng pamahalaang panlalawigan.

Ang VEP ay magkatuwang na itinataguyod ng National Power Corporation (NAPOCOR), Palawan Electric Cooperative (PALECO) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Sa inisyal na implementasyon ng programa, walong komunidad ang nakatakdang mabiyayaan ng proyekto na kinabibilangan ng Bgy. Tara sa bayan ng Coron, mga barangay ng Casian, Biton at Paly sa bayan ng Taytay, Bgy. Nangalao sa Linapacan, Bgy. Concepcion sa Agutaya at mga barangay ng Bancalaan, 1 at 2 sa bayan ng Balabac.

Ayon sa Napocor, sa kanilang ahensya manggagaling ang mga power generating sets na may kakayahang magsuplay ng 80 kilowatts baseload bawat yunit. Kailangan lamang ay magarantiyahan ng mga lokal na konsumidores na hindi kukulangin sa 40 porsiyentong produksyon ng planta ang makukunsumo ng mga kabahayan upang matugunan ang minimum baseload consumption at maiwasan ang pagkasira ng makina.

Ang distribusyon ng kuryente sa mga kabahayan ay pangangasiwaan naman ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) gayundin ang paniningil ng buwanang bayarin sa kuryente ng mga konsumidores.

Samantala, ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan ang magtatayo ng powerhouse na siyang paglalagakan ng mga makina at iba pang kagamitan ng planta gayundin ang pagtatayo ng mga powerlines patungo sa mga kabahayan.

Inaasahan na ang proyekto ay magdudulot ng ibayong benepisyo sa mga naninirahan sa mga islang saklaw ng programa na sa kalaunan ay magbibigay daan sa pag-angat sa antas ng lokal na ekonomiya ng mga islang nabanggit.

Ang proyekto ay halaw mula sa Palawan Island Power Development Plan na produkto ng Joint Energy Development Advisory Group (JEDAG) na itinatag noong buwan ng Agosto 2013. (PIO/OCJ/LBR/PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s