Tagalog news: DOH naglaan ng Php200M pondo para sa Palawan

PUERTO PRINCESA , Palawan, Mayo 2 (PIA) — Naglaan ng halagang P200 milyon ang Department of Health (DOH) para sa pagbibili ng mga bagong kagamitang pang-ospital na ilalagay sa mga bagong ospital na magkatuwang na ipinatatayo ng DOH at pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Infrastructure Development Program.

Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na natanggap na nila ang nasabing pondo ayon kay Engr. Saylito M. Purisima, hepe ng Infrastructure Development Program, base sa panuntunan ng DOH ang mga bibilhing hospital equipment ay ilalagay sa 18 units ng ospital na kinabibilangan ng Administrative, Dietary, Operating Room, Emergency Room, Outpatient Department, Laboratory Room, Blood Station, Recovery Room, Delivery Room, Neonatal Intensive Care Unit, Labor Room, Nursing Unit or Ward, Central Sterilizing and Supply Room, Dental Clinic, Radiology Department, Intensive Care Unit, Respiratory Therapy Unit at Engineering/Maintenance.

Dagdag pa ni Engr. Purisima na nais ng gobernador na makahanap ng mataas na kalidad ng mga kagamitan subalit sa mas mababang halaga upang mas maraming bilang ng ospital ang makinabang sa pondo.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang direktang pakikipag-ugnayan ng kinatawan ng Kapitolyo sa iba’t-ibang supplier ng mga hospital equipment na maaaring makapagsuplay ng nasabing mga kagamitan.

Ani Engr. Purisima, kapag nai-deliver na ang mga bagong hospital equipment ay pansamantala itong ilalagak sa mga existing hospitals upang agarang magamit at matugunan ang kakulangan sa kagamitan sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan.

Inaasahan naman na sa Hunyo 2016 ay matatapos na ang konstruksyon ng bagong Aborlan Medicare Hospital. Sa pagtataya ni Engr. Purisima ay nasa 95 porsyento nang tapos ang naturang ospital.

Ngayong taon ay inaasahang anim na ospital ang bubuksan sa ilalim pa rin ng Health Facilities Enhancement Program ng DOH. Kabilang dito ang Aborlan Medicare Hospital, Jose Rizal District Hospital, Coron District Hospital, Roxas Medicare Hospital, Narra Municipal Hospital at Quezon Municipal Hospital. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s