Tagalog news: Palawan Liberation ginunita

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abr 26 (PIA) – Ginunita kamakailan sa makasaysayang Plaza Cuartel sa lungsod ng Puerto Princesa ang ika-71 anibersaryo ng liberasyon ng Palawan.

Ang Abril 22 ang petsa na kinikilala ng mga beteranong Palawenyo na araw ng paglalapaya ng lalawigan mula sa kamay ng mapanakop na mga hapones noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Ang paggunita ay sinimulan sa pamamagitan ng isang parada na pinangunahan ng hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kasama ang mga kinatawan ng iba’t-ibang organisasyong panlipunan at pribadong sektor.

Sinundan ito ng wreath laying ceremony at unveiling of the marker sa Plaza Cuartel. Ang Plaza Cuartel ang tinuturing na kampo ng mga gerilyang Pilipino noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig kung saan katuwang ng mga matatapang na babae at lalaking Pilipino ang mga sundalong amerikano sa pakikipaglaban sa mga hapones noong panahon ng giyera.

Tinatayang nasa 100 sundalong amerikano rin ang ikinulong sa isang lagusan o tunnel sa Plaza Cuartel at minasaker sa pamamagitan ng pagsunog ng buhay sa mga ito. Mahigit 1,000 mga gerilyang Pilipino ang lumaban upang makamit ang nasabing kalayaan mula sa mga hapones.

Ang mahalagang okasyon ay magkatuwang na itinaguyod ng pamahalaang panlungsod at pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism (DOT) at Palawan Tourism Council (PTC).

Samantala, malugod naman itong sinuportahan ng ilang pribadong sektor tulad ng Rajah Travel Corporation, Palawan Chamber of Commerce at United States Agency for International Development Advancing Philippine Competitiveness o USAID- COMPETE. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s