Tagalog news: CAAP nagpapatupad ng bagong polisiya sa Puerto Princesa City International Airport

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abr 26 (PIA) — Simula Abril ay may bagong polisiya na ipinatutupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Puerto Princesa City International Airport para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon kay CAAP Area Manager Engr. Percy O. Malonesio, simula noong unang Lunes ng Abril ay mahigpit na nilang ipinatutupad ang pagtatanggal ng helmet sa mga nagmamaneho ng motorsiklo gayundin sa angkas nito. Ipinattanggal din ang suot na salamin sa mata tulad ng sunglasses at sombrero sa lahat ng driver at sa mga taong susundo at maghahatid sa airport maging sa lahat ng pasahero.

Muling maisusuot lamang ito ang mga kagamitang nabanggit kung ang isang may gamit nito ay nakalabas na ng compound ng paliparan.

Ang hakbang na ito ng CAAP ay upang makilala ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa compound ng paliparan ng sa gayon ay matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong dumarating at umaalis sa lungsod sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplaro sa mga taong may masamang motibo o mga taong magdudulot ng karahasan tulad na lamang ng mga riding in tandem.

Ang bagong polisiyang ito ay inihayag ni CAAP Area Manager Engr. Malonesio sa isinagawang pagpupulong ng City Peace and Order Council kahapon sa New Green City Hall ng lungsod. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s