Tagalog news: Awareness seminar para TOPCOP program, isinagawa ng DOT 4B sa Romblon

ROMBLON, Romblon, Abr 26 (PIA) — Mahigit 50 kawani ng Philippine National Police (PNP) Romblon ang sumailalim sa tatlong-araw na Tourism Awareness Seminar for Tourism Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) na ginanap sa Punta Corazon Resort, Bgy. Cajimos, Romblon, Romblon.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Department of Tourism (DOT)-Mimaropa Regional Office sa pakikipatulungan ng Romblon Police Provincial Office (RPPO) at Provincial Tourism Office.

Ang pagsasanay ay naglalayong mapalakas ang relasyon o ugnayan ng DOT at PNP upang mabigyan ng ligtas at payapang kapaligiran ang mga turistang bumibisita sa magagandang lugar ng lalawigan. Layunin din ng programang ito na magkaroon ng 24 oras na seguridad ang mga dinarayong lugar ng mga turista, paigtingin ang police visibility sa mga lugar na ito lalo na sa gabi at mayroong tourist police na nakatalag sa mga pangunahing tourist destinations.

Sinabi ni Provincial Tourism Officer Myrna Silverio na bawat municipal police station sa buong lalawigan ay nagpadala ng mga kawani upang magsanay kung kaya’t makatitiyak aniya ang sinumang turista na mapangangalagaan ang kanilang kaligtasan saan mang lugar sa Romblon.

Ang mga nagsilbing resource speaker sa Tourism Awareness Seminar ay sina Professor Ma. Dolores N. Salamanca, DOT Trainer, Supt. Johnny I. Capales, Asst. Chief, Public Safety Division at PO3 Rosabelle M. Bitayo ng RPPO.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s