Tagalog news: 1,600 pamilya sa Calapan napagkalooban ng Emergency Shelter Assistance

CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr 26 (PIA) – Umaabot na ngayon sa 1,600 pamilya sa Calapan ang napagkalooban ng tulong pinansyal ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng programang Emergency Shelter Assistance mula noong hagupitin ng Bagyong Nona ang syudad noong nakaraang taon.

Matatandaan na marami ang naitalang nawasak na mga bahay dahil sa pananalasa ng nasabing bagyo na sumubok sa tatag at pagkakaisa ng mga Calapeño.

Samantala, ang tulong pinansyal para sa iba’t ibang barangay na naapektohan ay pinangasiwaan ng City Housing and Urban Settlement Office na pinamumunuan ni Engr. Redentor Reyes, Jr.

Pawang pasasalamat sa pamahalaan ang ipinaabot ng mga benepisyaryo na anila’y malaking katulungan ito para muling maitayo ang kanilang mga kabahayan at kinabukasan. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s