Tagalog news: Summit ng mga kababaihan, isinagawa sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr 25 (PIA) – Upang itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan sa lungsod, pinangunahan ni Mayor Arnan C. Panaligan ang isinagawang Women’s Summit sa Holiday Resort kamakailan kaugnay ng pagdiriwang ng Women’s Month na may temang “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda!”

Ilan sa mga aktibidad na isinagawa sa lungsod ay ang Breast Cancer Awareness Forum na pinangunahan ni Dr. Lorman Goco, Awarding ng Natatanging Kababaihan 2016, at Distribution ng Solo Parent ID at Gold Cross Card.

Ayon kay Dr. Goco, kasama sa top five na mga karamdaman ng mga Pinay ang nakamamatay na breast cancer, kaya naman mahigpit na hinimok nng pamahalaan ang mga kababaihan na sumailalim sa breast cancer tests, partikular ang Mammography at gayundin ang ilang bakuna upang maiwasan at magamot ang cervical cancer.

Nagbahagi rin ng araw na iyon si Nanette Geronimo ng kanyang inspirational story bilang isang cancer survivor.

Dahil sa kampanya para sa mga kababaihan, buhos ang pwersa ng mga kababaihan ng araw na iyon na mula sa target na 700 katao, naging doble ang bilang ng mga ito.

Kasama rin sa isinagawang seminar ang tungkol sa gender and development kasabay ng kaliwa’t-kanang lingkod barangay na naglalayong maalis ang gender gap at mapagtibay pang lalo ang women empowerment sa lungsod. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s