Tagalog news: Occ Min, muling nanalo sa 2015 Rice Achievers Award

MAMBURAO, Occidental Mindoro, Abr 25 (PIA)—Muling nakamit ng lalawigan ang Rice Achievers Award ng Department of Agriculture (DA) para sa taong 2015.

Ito ang ibinalita ni Provincial Agriculturist Carmelita Villanada sa isinagawang pulong ng mga Municipal Agriculturist kamakailan. Ikatlong itong pagkakataon, sa loob ng apat na taon, na kikilalanin ang ambag ng lalawigan sa industriya ng palay.

Ayon kay Claire San Felipe ng DA Regional Field Office Mimaropa, unang tinanggap ng Occidental Mindoro ang naturang parangal noong 2012. Binigyan naman ng Special Award noong 2013 at nanalong muli ngayong 2015.

Dagdag pa ni San Felipe, bibigyan din ng pagkilala ang may 500 Agricultural Extension Workers (AEW’s) sa buong bansa, kung saan ang 28 na AEW’s ay mula rin sa lalawigan.Tatanggap ang bawat isa ng cash prize na P20,000.

Ipinaliwanag ni Villanada, na mula sa 14 na lalawigang pamimilian ay lima lamang ang tatanggap ng Rice Achievers Award. Ang limang ito ang magkakamit ng apat na milyong piso na maari lamang gamitin sa mga programa o proyektong pang agrikultura.

Isang milyong piso naman ang halagang mapupunta sa munisipyong tatanggap ng kaparehong parangal na dapat ding gamitin sa mga proyektong magpapaunlad sa ani ng palay ng naturang munisipyo.

Ang lalawigan ay napiling Rice Achiever dahil sa dami ng produksyong naiambag nito sa bansa. Ayon kay Villanada nakatulong malaki ang pag gamit ng mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka at makinarya gayundin ang malaki suporta ng lokal na pamahalaan sa industriya ng palay. “Malaki ang pondo na inilalaan ng ating lokal na pamahalaang panlalawigan sa Agrikultura”, dagdag pa ni Villanada.

Isasagawa ang National Awarding ng Rice Achievers Award sa ika-20 ng Abril sa Resorts World, Manila. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s