Tagalog news: DOH, nagbigay ng CT Scan Machine sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abr 25 (PIA) — Dumating na sa Kapitolyo ang Computerized Tomography o CT scan machine na donasyon ng Department of Health (DOH) para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Ang naturang CT Scan na may modelong SCT 6800 TX Single Slice ay nasa pangangala ngayon ng Infrastructure Division ng pamahalaang panlalawigan.

Ito ay ilalagay sa bubuksang bagong ospital sa bayan ng Aborlan, bilang paghahanda rin upang mapunuan ng mga kagamitang kakailanganin ng nasabing ospital na bubuksan anumang panahon mula ngayon.

Ayon kay Engr. Saylito M. Purisima, hepe ng Infrastructure Division at Officer-in-charge ng Provincial Engineering Office ng pamahalaang panlalawigan, ang CT Scan ay magagamit ng libre ng mga Palaweñong kabilang sa indigenous peoples group at sa mababang halaga naman para sa mga pribadong indibidwal na nagnanais sumailalim sa CT Scan examination.

Inaasahan naman na magkakaroon ng pormal na turn-over ceremony para sa naturang kagamitan bago matapos ang buwang kasalukuyan. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s