Puerto Princesa isinailalim na sa ‘state of calamity’

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Abril 25 (PIA) — Isinailalim na sa ‘state of calamity’ ang lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ay sa pamamagitan ng inaprubahang resolusyon kahapon sa isinagawang 3rd special session ng Sangguniang Panglunsod ayon na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC).

Ang pagdi-deklara ng lungsod sa ilalim ng “state of calamity’ ay nakatuon sa kinakaharap na krisis sa tubig. Pangalawang dahilan ay upang mapanatili ang kalusugan ng residente, at, ikatlo, ang pangamba sa sunog.

Kahit pa naideklara na ang lungsod na nasa ilalim ng state of calamity ay hindi pa rin magagamit ang 100% na calamity fund ng siyudad. Ang calamity fund ng lungsod ay nahahati sa dalawang programa. Kabahagi dito ay pagsasagawa sa quick response program (30%), at prevention and mitigation programs (70%)

Nasa Php115M ang kabuuhang calamity fund ng Puerto Princesa para sa taong 2016. Php34.5M ang para sa quick response program at Php80.5M naman ang para sa prevention and mitigation program.

Mula sa Php80.5M ay Php20.6M lamang ang nakapaloob sa inaprubahang deklarasyon na maaaring gamitin ng pamahalaang panglungsod sa pamamagitan ng CDRRMC para sa state of calamity na inaprubahan.

Ang Php20.6M ay gagamitin na pondo pambili ng dalawang water trucks na nagkakahalaga ng Php18M na gagamiting pantulong sa Puerto Princesa City Water District (PPCWD) sa pagrarasyon ng tubig sa matataas na lugar sa lungsod. Ayon sa pamunuan ng PPCWD, nasa critical level na ang Ilog Irawan na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig ng lungsod.

Php1.6M ay ang para sa gamot at vaccine ng City Health Office, partikular na ang bakuna para sa rabies at Php1M naman ang para sa protective gear at fire fighting equipments ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP). (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s